Jonathan D. Vecina
SPET I
School Information Officer

Umarangkada na nga ang Internet For Educational Resource Access Park o ang INFRA Park ng San Agusitn Elementary School. Pinanguhan ito ng butihing Punong Guro na si Dr. Vilma F. Forbes, Pangalawang Punong Guro na si Binibining Marilyn F. Tamundong at sampu ng mga miyembro ng School Project Team. Ang INFRA Park ay isa sa mga program ng Project QLIC ng paaralan. Ito ay naglalalyon na makapagbigay ng internet access sa mga magulang na nangangailangan sa pag-download ng digitized learning at instructional materials sa Learing Resource Portal ng Sangay ng Paranaque at Kagawaran. Ito ay naglalayong mapalawig at makatulong sa long-distance learning ng mga bata at maitaguyod ang mabuting pakikiugnayan ng mga stakeholders sa bawat isa. Sa pamumuno ng eksperto sa Information and Communication Technology na si Ginoong Jerlito M. Taylo at katuwang si Ginoong Jonathan D. Vecina naisakatuparan ang proyektong ito.

Alinsunod nito, itinayo ang INFRA PARK upang makatulong sa pagpapalakas ng Project ELO (Educational WIFI for greater Learning Opportunities) ni Mayor Edwin L. Olivarez na ang kanyang adhikain ay makatulong sa long-distance learning ng mga bata habang ipinagbabawal pa ang face-to-face classes.

Narito ang mga hakbang sa paggamit ng internet access ng paaralan. 

  1. Pumunta sa WIFI setting at i-on ito.
  2. Pumili sa alinmang dalawang Wifi Connection:

   – freewifi4all – hindi na kailangan ng password (automatic connect)

    – SAES-QLIC – humingi ng Voucher Code sa Guard House 

  1. Maghintay nang ilang sandali kung aktibo na ang wifi signal.
  2. I-scan ang QR code ng Educational Sites na nais i-browse.
  3. Kung walang scanner i-type sa Google Search engine ang nais ninyo na pagkuhanan ng digitized learning o instructional materials.  (halimbawa: Paranaque Learning Resource Portal)
  4. Mag-register at piliin ang Learning Resources sa kaliwa ng inyong screen at i-double click ito.
  5. Piliin kung anong asignatura ang nais ninyong kunan ng digitized learning materials, mag-register at i-type ang mga hinihinging impormasyon.
  6. Piliin ang Elementary at ang Grade Level na nais ninyong i-download. I-click ang link na lalabas sa inyong screen. 
  7. Kapag nabuksan na ang learning materials, puwede na itong i-download. Tignan ang icon na nasa kanang itaas na bahagi ng screen at i-click ang download icon.

Mas lalong kinagigiliwan ng mga magulang ang INFRA Park dahil sa mga makukulay nitong bulaklak at nagbeberdehang dahon na nakasabit sa balag o trellis. Sa ngayon, patuloy na pinapalawaig ng paaralan ang internet access sa mga stakeholders sa mga nasasakupan dahil sa matinding hamon ng pandemya partikular ang Long-Distance Learning Program.