Mylene E. Catiempo

Sa ngayon, umabot sa lagpas isang milyon na ang nakitang positibo sa COVID-19 sa buong bansa. Kaya naman ang bawat pamilya ng Kagawaran ng Edukasyon ay hawak-kamay upang isakatuparan ang Minimum Health Protocol Measure sa lahat ng opisina at mga paaaralan upang maiwasan ang paglaganap ng nasabing virus na may matinding banta sa kalugusan ng tao. Dahil dito, naglabas ng kautusan ang kagawaran na nakapaloob sa Deped Memorandum 015, s. 2020 o kilala sa First Set Policy Directives of the Deped Task Force NCOV noong Pebrero 4, 2020. Isa sa pangunahing layunin ng kautusan ay magkaroon ng koordinasyon at maisakatuparan ang miminimum health protocol measure sa lahat ng paaralan base na rin sa mga pinapatupad na mga alintuntunin ng Inter Agency Task Force upang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19 virus na kumitil ng buhay ng libo-libong Pilipino. Sa kabila nito, ang pamunuan ng San Agustin Elementary School ay mabilisang tumugon dito. Malaking hamon sa pamunuan ng paaralan kung papaano maipapaabot at kokolektahin ang mga learning modules ng mga mag-aaral sa gitna ng pandemya lalong-lao na naka-quarantine ang lungsod. Salamat at mabilis umaksyon ang School Based Disaster Risk Reduction Management (SBDRMM) sa pamumuno ng ating butihing Punong Guro na si Dr. Vilma F. Forbes, Pangalawang Punong Guro na si Binibing Marilyn F. Tamundong, Pinuno ng SDRMM na si Ginoong Restituto T. Bautista at ang School Nurse na si Kathryn Laudit. Katuwang sa pagkakasatuparan nito ang mga katangi-tanging non-teaching personnel  ng paaralan.

Gamit ang school funds, bumili ang paaralan ng mga non-contact alcohol, disinfectant, thermal scanner, portable footbath, sterilizing box, disinfectant machine, medical gloves, face shield, face mask, at vitamins. Naglagay ng mga signages sa labas at loob ng paaralan upang paalalahan ang mga bumibisita sa mga minimum health protocol. Inilagay din ang mga kagamitan tulad ng thermal scanner, footbath, non-contact alcohol sa istrahiyang mga lugar na dinadaan ng mga tao upang maisawan ang dikitan o mapanatili ang social distancing. Gayundin, pinaigting ang paggamit ng contact tracing forms sa bawat papasok sa paaaralan maging magulang o guro man. Naglunsad din ang paaaralan ng mga QR Code na gagamitin ng cellphone sa pagsagot sa contract tracing form. Naglagay din ng mga marksa sa sahig na may layong anim na piye sa bawat isa. 

Sa pagkuha at pagsauli ng mga learning modules, hindi pinapasok ang buntis, may karamdaman at higit sa lahat ang mga minor na edad. Mahigpit na pinapatupad ang One-at-Time Policy, No borrowing of Ballpen Policy, No Face Mask and Face Shield No Entry at No Standby Policy sa lahat ng mga kukuha ng learning modules.

Malaking tulong din ang nurs at mga guwardya upang paigtingin ang pagbabantay kung ang lahat ng ikinikilos ng mga nasa loob ng paaralan ay naaayon sa minimum health protocol measure.

Upang siguraduhing malinis at ligtas ang mga modules na sinasauli bago ibigay ito sa kani-kanilang gurong tagapayo, ito ay isinasalang muna sa loob ng kahon ng may ultraviolet lights sa loob ng labing-limang minuto ng mga non-teaching personnel. Pagkatapos ay sasalansanin nila ito ayon sa kung kaninong gurong tagapayo kabilang ang mga ito.

Kaisa rin sa pagtugon upang labanan ng pagkalat ng Covid-19 virus ay ang barangay sa pamumuno ni Kapitan Roberto C. Alano at ang Punong Lungsod Edwin L. Olivarez sa pagpapanatili ng kaligtasan at kalinisan ng paaralan sa pamamagitan ng monthly disinfection sa buong parte ng paaralan.

Kaya makakaasa ka dito sa SAES kaligtasan ng lahat ay una sa panahon ng pandemya.