PALAGIAN AT MAAGANG PAGDALO SA KLASE
1. Pumasok at palaging dumalo sa klase.
2. Ipagbigay—alam kaagad sa guro kung liliban sa klase ng hindi inaasahan.
3. Iwasan ang pag-iwas sa klase ng hindi pa tapos ang takdang oras
4. Ipabatid sa guro ang pag-iwan sa klase kung kinakailangan bunga ng pagkakasakit o di maiiwasang dahilan.
5. Pumasok sa paaralan, sampung minuto bago magsimula ang klase.
6. Iwasang magpakalat- kalat pagkadating sa paaralan.
GAWI O KILOS SA LOOB NG SILID-ARALAN
1. Laging pumasok na handa para sa mga aralin.
2. Maging magalang sa pananalita sa lahat ng oras.
3. Ugaliin ang pagdadala ng sariling gamit sa paaralan.
4. Makinig ng mabuti sa lahat ng oras.
5. Hintayin ang pagkakataon mo na makapagsalita.
6. Ibalik/Isauli ang aklat, upuan at iba pang kasangkapang sa tamang lugar matapos gamitin.
7. Simulan at tapusin kaagad ang mga gawain.
8. Iwasang abalahin ang kamag-aral habang gumagawa.
9. Maging matipid sa paggamit ng mga kagamitang pampaaralan.
10. Pamalagiing malinis at nasa ayos ang lahat ng gawain.
SEREMONYA SA PAGTATAAS AT PAGBABA NG WATAWAT
1. Ugaliing makibahagi sa pagtataas ng watawat.
2. Tumayo nang matuwid at sumabay sa pagkanta ng Pambansang Awit at sa pagbigkas ng panunumpa ng Katapatan.
3. Awitin ang Pambansang Awit at bigkasin ang Panunumpa nang buong linaw at may damdamin.
4. Mataimtim na pagmasdan ang watawat habang itinataas o ibinababa ito.
5. Pumunta sa mga silid-aralan nang maayos at tahimik matapos ang pagtataas at pagbaba ng watawat.
6. Dumating sa takdang oras kapag naatasang manguna o mangasiwa sa seremonya ng pagtataas at pagbababa ng watawat.
GAWI O KILOS SA PAARALAN, PASILYO AT HAGDANAN
1. Maging alerto sa mga hudyat na tinutunog ng kampana.
2. Gamitin nang wasto ang mga basurahan sa pagtatapon ng basura.
3. Maglaro ng mga kapaki-pakinabang na mga laro.
4. Iwasan ang paninigarilyo.
5. Iwasan ang anumang uri ng sugal.
6. Iwasan ang paggamit ng mga mahahalay o malalaswang pananalita.
7. Magkaroon ng pagpipigil sa sarili sa pagsira sa mga halaman, puno at pag-akyat sa mga bakod at gate.
8. Panatilihin ang katahimikan at kaayusan sa pagpasok at paglabas ng silid-aralan.
9. Ugaliing laging nasa gawing kanan sa pagdaan sa mga pasilyo at maging sa pag-akyat o pagbaba ng hagdanan.
10. Humingi ng pahintulot sa guro kung lalabas ng silid-aralan. Isuot ang “Hall ID Pass”kung magtutungo sa palikuran, kantina o saanmang lugar sa paaralan.
11. Iwasang magpagala-gala sa mga pasilyo; umuwi kaagad sa bahay pagkatapos ng klase.
12. Iwasan ang pagtigil sa mga gilid at tabi ng silid-aralan na mayroong nagkaklase.
13. Sinumang mag-aaral na mahuling gumagala sa oras ng klase ay dadalhin sa Guidance Office at ipapatawag ang magulang.
PAGGAMIT NG MGA LUGAR PAMPAARALAN SA PALIKURAN
1. Panatilihin ang kalinisan ng upuan, hugasan ng kamay, dingding at sahig ng palikuran.
2. Buhusan ang inidoro matapos itong gamitin.
3. Iwasang magkaroon ng pagbabara sa mga inidoro.
4. Maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran.
5. Iwasang kumain,maglaro at mag-aral sa loob ng palikuran.
SA INUMAN
1. Gamitin nang wasto ang inuman; iwasan ang paghuhugas dito.
2. Panatilihing malinis ang inuman.
SA KANTINA
1. Tangkilikin ang mga produkto/paninda sa kantina ng paaralan.
2. Ibalik ang mga tasa, baso, kutsara at iba pang kagamitan sa pagkain matapos itong gamitin.
3. Panatilihing malinis ang kantina.
PANGANGALAGA SA MGA PAG-AARI NG PAARALAN
1. Lagyan ng cover ang mga aklat, iwasan ang pagpunit o pagsulat sa bawat pahina ng mga ito.
2. Panatilihing malinis ang mga dingding, bakod at tarangkahan ng paaralan.
4. Panatilihing malinis ang mga upuan at mesa , iwasan ang pagsulat sa mga ito.
5. Isara nang mabuti ang mga gripo matapos itong gamitin.
6. Pangalagaan ang mga halaman at bulaklak sa hardin ng paaralan.
7. Linisin ang mga kasangkapan at kagamitan, ibalik sa tamang lugar matapos itong gamitin.
8. Gamitin nang maayos ang mga kagamitang panlaro.
GAWI O KILOS SA PALATUNTUNAN AT KAPULUNGAN
1. Dumating sa itinakdang lugar sa tamang oras.
2. Maghintay nang tahimik sa pagsisimula ng palatuntunan.
3. Manatilihing tahimik habang may nagbigay ng tanging bilang.
4. Pumalakpak nang tama sa pagpapakita ng pagkalugod sa katatapos na bilang o kung nais pang itoý pabalikin.
5. Ugaliing nakaupo upang makita ng mga nasa likuran ang programa.
6. Iwasan ang pagsipol, pagpadyak ng mga paa o pagsasagawa ng di-kanais-nais na kilos.
7. Lumisan sa kapulungan ng tahimik at maayos.
PANGKALAHATANG TUNTUNIN SA KILOS/GAWI SA PAARAN
1. Magsuot ng malinis at nararapat na kasuotang pampaaralan, ugaliing nakakabit ang ID.
2. Magalang na bumati sa mga guro at iba pang kawani sa paaralan.
3. Maging masayahin.
4. Igalang ang lahat ng kawani ng paaralan.
5. Umiwas sa pagsali sa mga illegal na samahan.
6. Iwasan ang pagdidikit ng mga illegal na poster at pagsusulat o pagdudumi sa mga dingding at pader ng paaralan.
7. Umiwas sa mga di kanais-nais na gawain tulad ng pangingikil, pangongotong o pagnanakaw.
8. Maging mabuting halimbawa o modelo sa komunidad.
Sa patakaran at alituntuning ito ng Kagawaran ng Edukasyon, nakasaad ang pagbibigay proteksyon sa mga bata laban sa anumang uri ng pang-aabuso, diskriminasyon, pananamantala, karahasan at pananakot.
SCHOOL ANTI-BULLYING POLICY
Ayon sa batas, ang pambu-bully ay nangangahulugan ng kahit anong paraan ng panggigipit na ginagawa ng isa o ng isang grupo sa isa pa—pisikal man, berbal o takot na pumasok ng isang estudyante sa eskwelahan. Kasama rin dito ang tinatawag na cyber-bullying, o pambu-bully gamit ang social media at internet.
MGA BAGAY NA DI-DAPAT GAWIN:
1. Pananakot o pagbabanta sa kapwa mag—aaral, sa dignidad o pag-aari niya o ng sinumang miyembro ng kanyang pamilya.
2. Pagsunod-sunod o pagmamatyag sa pang-araw-araw na gawain ng isang tao na may masamang intensiyon.
3. Pagkuha o pagsira sa pag-aari ng iba.
4. Paggamit ng mga salitang nakasasakit sa damdamin ng iba.
5. Pagkakalat ng tsismis, panunukso, pang-iinsulto o pangungutya sa isang tao, may kapansanan man o wala.
6. Pisikal na pananakit gaya ng mga sumusunod: suntok, tulak, sipa, sampal, hampas o palo, kurot, untog, sakal, kutos o batok, kalmot, anumang bagay sa kapwa at iba pa.
7. Pakikipag-away at pananakit gamit ang anumang bagay na maaring makasugat.
8. Pagsali sa Gang at Fraternity.
9. Pagkontrol sa kalayaan ng kapwa mag-aaral.
10. Panghihikayat na huwag kausapin o awayin ang kapwa kamag-anak.
11. Pagguhit, pagpapakita o paghawak sa anumang maselang bahagi ng katawan ng isang tao.
12. Cyber-bullying o pambu-bully gamit ang makabagong teknolohiya o anumang “electronic device” gamit ang internet.
13. Paghihiganti sa taong nagsumbong o tumestigo tungkol sa anumang naganap na pambu-bully.
MGA KARAMPATANG PARUSA:
Unang Pagkakamali
1. Ipatatawag ng Child Protection Committee ang magulang o guardian upang pag-usapan ang insidente ng pambu-bully.
2. Magkakaroon ng kasulatan tungkol sa anumang mapagkakasunduan.
Pangalawang Pagkakamali
1. Hindi bibigyan ng sertipiko ng Good Moral Character.
2. Suspensyon na hindi lalampas ng isang linggo.
3. Ang batang “nag-bully”, kasama ang magulang o tagapag-alaga, ay dadalo sa counseling sessions na itatakda ng paaralan.
Paalala: Kung ang pambubully ay nagresulta sa isang “serious physical injury” o pagkamatay.
1. Ipagbibigay-alam agad ang insidente sa opisina ng :
A. Schools Division Superintendent
B. Local Social Welfare and Development
2. Suspensyon na hindi lalampas sa tatlong linggo.
3. Pagpapatalsik sa paaralan.
1. Sundin at igalang ang mga alituntunin ng paaralan.
2. Pangalagaan at ingatan ang mga bagay na pag-aari ng paaralan.
3. Panatilihin ang katahimikan at kaayusan sa loob ng paaralan.
4. Huwag magdadala sa loob ng paaralan ng mga bagay na nakasusugat, inuming nakalalasing, ipinagbabawal na gamot, sigarilyo at malalaswang babasahin.
5. Respetuhin ang bawat mag-aaral, mga guro, mga magulang o tagapag-alaga at mga empleyado ng paaralan.
6. Pumasok sa takdang oras araw-araw na malinis at maayos ang katawan.
7. Makinig sa guro sa oras ng klase at mag-aral nang mabuti.
8. Gawin ang mga takdang-aralin at magpasa ng proyekto sa takdang oras kung kinakailangan.
9. Iwasan ang paggamit ng anumang “electronic device” sa oras ng klase.
10. Pagsuot ng ID sa loob ng paaralan.
11. Iwasan ang pagkkukulay o pagha-highlight ng buhok, paglalagay ng nail polish sa kuko, pagsusuot ng hikaw para sa mga lalaki at paglalagay ng make-up para sa mga babae.
STUDENT DISCIPLINE IN HANDLING BULLYING
1. Upon complaint, the child and the parents/guardians shall be informed in writing;
2. The child shall be given the opportunity to answer the complaint in writing, with the assistance of the parents/guardians;
3. If necessary, the school head shall call for a conference between the parties;
4. The decision of the school head shallbe in writing, stating the facts and the reasons. The penalty of suspension for one (1) week may be imposed by the school head, if such is warranted.
5. The decision of the school head may be appealed to the schools division superintendent.
6. If the penalty is suspension for more than one (1) week, the same shall be subject to the approval of the schools division superintendent.
7. During the period of suspension, the offending child parents/guardians may be required to attend further seminars and counselling.
8. The school head shall ensure that appropriate intervention or counselling and other services are provided to the victims of bullying.
For second offense, suspension, exclusion or expulsion
For serious offenses, only the secretary of education has the authority to impose the penalty of exclusion from the school.